Hindi ba minsan napakadaling sabihin ng salitang ok lang. Napaka limit gamitin na salita, na sa sobrang limit hindi natin napapansin na pababa ng pababa ang antas o lebel ng pinagagamitin ng sa salitang "ok lang"
Sinisisi ko ang salitang to ngayon. Dahil sa salitang ito napakaraming tao at bagay ang wala sa pagunlad. Stagnant. Prente. Hinto. Tigil. Walang pagbabago.... meron palang pagbabago... sa pabuti o sa pa-sama bahala na kayo kung papano nyo titingnan...pero sa ngayon... sa aking pananaw... ng dahil sa saling "ok lang!" bumababa ang kalidad ng mga bagay.
musta grades mo? musta buhay natin ngayon? musta trabaho? malusog ba? pangit ba? mabait ba? --- "ok lang"
naalala ko nung kabataan ko, noong panahon na ako ay elementarya pa lamang... sa tuwing itatanong ng aking mga magulang kung kumusta ang grades ko... isa lang ang pwedeng sagot... mataas ... o mababa. pwede rin na yung grades mismo ang sagot sa tanong..."89" po! (uy! uso pa kasi sa amin ang po at ang opo hehe!). bibihira or napaka dalang kang merong maririnig na sumasagot ng "ok lang".
eh bakit ko nga ba sinisi ang letseng salitang ito eh hindi ko nman pala ganun kadalas gamitin nun? well, noon yun! ngayon malimit ko na itong sabihin..para maiwasan ang mas madaming tanong at para safe sa palo ...sagot ko "ok lang".
pero sablay di ba? mali? kasi sa halip na sabihin natin kung oo o hindi , abat sagutin ba naman ng "maybe"? hehehe..
eh bakit ko nga sinisisi?
sa aking palagay...at ito ay sa akin lang naman... bumababa kasi ang ibig sabihin ng ok lang? paano? isipin natin nung tayoy mga bata pa?
tuwing dumarating ang panahon ng pasukan at syempre pag pasukan meron peridical exam, mahabang pagsusulit ika nga, halos lahat ng magka ka klase nagtatanong kung ano ang nakuha ng bawat isa. "ano ang nakuha mo sa exam? mababa 85 of 100 lang". " perfect", "89 over 100", "bagsak".
eh asan dyan ang ok lang? dati kung makakuha ako ng 88 yun ok lang yun! 85 "pasa", hindi masyado ok. "75" hindi ok. at kung hindi ok ang result ng exam mo, o hindi masyado ok...magsusumikap ka para makabawi sa susunod. gagawin mong "stepping stone" ang mga natutuhan mo at mga mali mo sa nagdaang exam. para yung "ok lang" maging "ok na ok!" o pasang pasa.
ngayon? narining mo na ba ang mga batang magaaral? pag tinanon mo kung ano yung grade nila sagot agad sa yo "ok lang!". pagkita mo sa card sus namamalakol! (isang saling naglalarawan ng mga grado mula 70-79, palakot nga eh 7). Errrr... eh kelan pa naging ok yun? siguro nga ok lang kasi yun ang nakayanan eh... pero kulang...bakit ka makukuntento sa kung ano yung nakuha mo? kung alam mong meron ka pang igagaling?
hindi bat bumaba na ang definition ng salitang "ok lang!". dati 88 ngayon 76 ok lang din, katwiran? -- kasi hindi pa daw bagsak.
simpleng example lang yan. pero napakaraming bagay pa na pwede mong mahalintulad. sa kalusugan na lang... sinong magsasabi ng ok lang ang kondisyon ng maynila ngayon..at ng mabatukan sa ngala ngala? kelan pa naging ok ang pollusyon? ang mga sakit ng makukuha mo sa maduming lansangan... sa mga daga at ipis na naglipana sa kung saan saan lang.
sana minsan kaya nating sagutin at tanggapin ang mga bagay bagay. at pagkatapos, mas higitan pa natin. sabi nga nila " we move forward, improving lives". kung dati si juan ay walang ni isang kusing, ngayon ay meron ng sampung piso....hindi nangangahulugan yun na " ok lang". ibig lang sabihin nun nagbabago ang lahat. sa pataas. sana yung yung salitang "ok lang" magbago din patungo sa maganda.
ang mga magulang mo ay nagpakahirap para mabago ang kinabukasan mo. kung dati kayo ay wala, ngayon kayo ay medyo guminhawa...hindi ibig sabihin noon maginhawa na kayo lagi. huwag sanang mabalewala ang mga sinimulan ng magulang nyo. wag sana kayong makuntento sa "ok lang". isang paraan paanonng hindi mababalewala ang kanilang pagsasakripisyo ay ang pagpapatuloy ng kung anong naumpisahan nila... ano nga ba yun??? ahhh ang pabutihin ang kalagayan nyo. yun lang naman.
pero kung ok lang sa inyo kung ano ang buhay nyo ngayon...at hindi na kayo kikilos... sige hayaan natin ng ang mga susunod na kabataan o ang anak mo ay magpakahirap uli. back to zero. buhay naman nila yun di ba?
"ok lang!"
-- kumilos ka! ngayon na!
-- eh sori tao lang eh
-- yun nga eh TAO KA! wag mong limitahan ang kaya mong gawin. marami kang magagagawa..
-- 09:38 05262009
No comments:
Post a Comment